Pulis nalunod sa training

Pulis nalunod sa training

Patay ang isang Police Corporal makaraang malunod habang sumasailalim sa Basic Swimming Course sa loob ng headquarters ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City kahapon nang hapon.

Kinilala ni NCRPO Chief Police Major General Guillermo Eleazar ang nalunod na pulis na si P/Cpl. Adonis Serrano, 28-anyos, nakatalaga sa Police Community Precinct 9 ng Marikina City Police Station.

Sa pagsisiyasat ng NCRPO, alas-2:03 ng hapon nang maganap ang insidente sa swimming pool ng NCRPO sa nasabing lugar.

Base sa report matapos ang accounting, isa ang nawala sa charlie company at makalipas ang ilang minuto ay nadiskubreng nalunod si P/Cpl. Serrano.
Nagsasanay ang naturang pulis nang maganap ang insidente.

Sa ngayon ay patuloy pa ring nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya hinggil sa pagkakalunod ng nasabing pulis. (Armida Rico)