Upang maiwasan na maakusahang lumalabag sa karapatang pantao ang mga pulis sa kanilang operasyon lalo na sa panahon ng pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga, pagsusuotin na ang mga ito ng body camera.
Ito ang nakasaad sa House Bill 2741 o Body Camera Act na inakda ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon tulad ng ginagawa umano ng mga law enforcers sa ibang bansa lalo na sa Estados Unidos.
Ayon sa mambabatas, malaki ang maitutulong ng camera sa katawan ng mga pulis para maiwasan na sila ay maakusahan ng mga kaanak ng mga napapatay nilang mga kriminal, na lumalabag sa karapatang pantao.
“The spectacle of suspected criminals or their kin being subject of law enforcement or special police operations complaining that their rights were violated during such operations has been a common occurrence that we are confronted with every day,” ani Biazon.
Maliban dito, lagi na umanong nangyayari na napapatay ng mga pulis ang mga suspek na nasa kanilang kustodya na sinasabing tinatangka umanong manlaban o kaya mang-agaw ng baril.
“It is high time to put a stop to the guessing game who among the two sides is telling the truth. A body camera which can record what actually takes place during the conduct of law enforcement personnels is a way of solving this problem,” ani Biazon.
It’s about time and dapat may penalty or disciplinary actions na ipataw kapag hindi ginamit on duty, para na din unti-unti ng bumalik kahit paano ang tiwala at kumpiyansa ng taong bayan.
ummm. great idea. but, considering the penchant of the Filipino for “delihensiya’….well, there has to be standards met. other than that, great idea.
Great idea! Pati police car and presinto dapat meron para sure na walang malalabag and para iwas kotong na rin.
LIKE
That is very wise & bright thinking ba. sign and sealed approved.
Hindi lang body cam lalo na ang bullet proof vest tuwing may police operations tulad ng ginagawa sa mga ibang bansa.