Pulis pinulutang barilin ng apat

Tinambangan ng apat na armadong kalalakihan na sakay ng dalawang motorsiklo ang isang pulis na pauwi na sa kanilang bahay mula sa duty sa Taguig City, nitong Lunes nang gabi.

Namatay noon din ang biktimang si M/Sgt. Napoleon Zamora, 45-anyos, aktibong mi­yembro ng Philippine National Police (PNP), may badge No.

015731, nakatalaga sa Regional Headquarters Support Unit (RHSU), Camp Bagong Diwa, Taguig, City, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng pulis­ya ang pagkakakilanlan ng apat.
Sa ulat ng Souther­n Police District (SPD), alas-7:20 nang gabi nang maganap ang pananambang sa MLQ St., Purok 1, Bagumbayan.

Sa inisyal na im­bestigasyon, papauwi na ang biktima sakay ng kanyang gray Yamaha NMAX 155 na walang plaka nang tabihan ng apat na armadong suspek
At pinagtulungang barilin ang nasabing pulis bago mabilis na nagsitakas.

Sinisiyasat pa ng awtoridad ang motibo sa naturang kaso gayung wala naman silang alam na kaaway ito. (Armida Rico)