Pulis-Quezon,tinodas saka ninakawan

Patay ang isang police officer sa Tiaong, Quezon matapos na ito ay barilin sa kanyang bahay sa Barangay Lagalag sa nasabing bayan kamakalawa ng gabi.

Batay sa imbestigasyon ng Tiaong Police, nasa kanyang kwarto umano ang biktimang si PO2 Jomel Ariola, 36-anyos, nang mula sa labas ng bintana ay barilin ito ng ‘di nakilalang suspek gamit ang kalibre .45 na baril.

Pagkabaril ay tinanggal umano ng suspek ang mga salamin ng bintana ng bahay ng biktima at pumasok saka nilimas ang mga kagamitan ng biktima.

Kabilang sa nakuha ng suspek ay ang service fire arms nito at iba pang mga personal na gamit at saka mabilis na tumakas.