Sapak sa mukha pinakawalan ng isang aircon technician sa isang pulis na umaresto sa kanya dahil sa paglabag sa curfew sa Bacoor City, Cavite.

Kasong paglabag sa Art 151 ng Revise penal Code at Direct Assault ang isinampa laban kay Rommel Ungos, 21-anyos, taga-Looban St., Brg Kaingen, Bacoor City, Cavite dahil sa reklamo ni Corporal Ruel Fermin Ambrosio, nakatalaga sa Longos Mobile Patrol ng Bacoor City Police Station (CPS).

Sa ulat ni Corporal Fidel Querejero III, ng Bacoor CPS, dakong alas-12:10 kahapon ng madaling-araw, habang nagpapatrulya si Ambrosio, Corporal Rolly De La Cruz at ilang barangay Tanod sa Brgy. Maliksi 3 ng naturang Lungsod nang naispatan ang ssupek na pagala-gala sa lugar.

Binitbit ang suspek sa tanggapan ng barangay subalit tumakas ito kaya hinabol hanggang sa naaresto ni Ambrosio na lalo nitong ikinagalit kaya sinuntok sa mukha ang humuling pulis.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Bacoor City Custodial Center.