Nagpakita ng kagaspangan ang isang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nang tambangan nito ang nakaalitang pulis at tumulong ang tukayong pulis na ikinasawi ng una kahapon sa Riverbank Ave., Barangay Barangka, Marikina City.

Nakilala ang nasawing suspek na si Army Staff Sgt. Marvin Balucas, nasa hustong gulang at taga-Summit View Subd., San Rafael, Rodriguez, Rizal na idineklarang dead-on-arrival sa Chinese General Hospital at enlisted member ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nakilala naman ang mga biktima na sina PEMS. Demetrio Magpali Jr., nasa hustong gulang, ng CIDG Camp Crame, QC at PSSg. Edward Yap, 40, nakatalaga sa CIDG.

Sa report, naganap ang insidente bandang alas-11:30 Biyernes ng umaga sa Bonifacio Ave., cor Riverbank Ave., Brgy. Barangka nang tambangan ng nasawing suspek si Yap sa nasabing Lugar.

Agad na pinaulanan ng bala ang biktima. Nang marinig ni Magpali ang putok at makita ang nakabulagtang tukayo ay nanlaban na rin ito ng putok na ikinasawi ng suspek.

Nagtamo ng bala si Magpali sa binti habang si Yap naman ay tinamaan sa ulo, dibdib at katawan at agad naisugod sa Amang Rodriquez Memorial Medical Center saka inilipat sa Chinese General Hospital. (Vick Aquino)