DALAWANG gay comedian, pinagod… pinaglakad at muntik pang hindi bayaran ng politician na ama ng isang actress! Maayos ang invitation sa 2 bading na comedian na pinadaan sa isang kaibigan.
Mabait daw si male politician at babayaran ang mga bading. Isinama sila sa rampahan ng mga beki kaya ang dalawa, nanghiram pa ng gown para hindi kabugin ng mga gay kontesera.
Pagdating sa housing project ni politician, kokonti na lang ang lafang.
Nilantakan na ng dalawang beki at mga kasama nito ang fudz na inihanda para sa lahat.
Kataka-taka lang, bakit puro bagets ang bisita na parang mga wala pang kain?
Nang lumabas si male politician na hermano mayor… aba! Aba! Aba!
One line ang kilay!
Vakla!
Ang mga sari at makakatas na jugets lang ang inasikaso ni male politician.
‘Yung 2 bading na comedian, kinumusta lang ni hermano mayor.
Hiningi ng 2 beki comedian ang paysung para hindi na magkaproblema pagkatapos ng rampahan.
Say ni hermano mayor na naka-pout ang lips, mamaya na.
Hindi niya tatakbuhan ang 2 juding na comedian. Ayaw niyang sirain ang name niya dahil lang sa pera.
Umokey ang dalawang gay comedian na balaban sa Best in Long Gown.
RAMPA!
Nakakawindang, sobrang tagal ang rampahan! Ngaragan!
Ubusan ng energy at amor powers!
Madaling-araw natapos ang rampage. Gora na sa bahay ni hermanong baklush ang lahat.
Humingi ng tubig ang 2 gay comedian. Waley na raw kaya sa tubig-poso na lang sila uminom.
Ask ng sandwich ang 2 gay comedian. Ubos na rin daw.
Pero na-sight ng dalawa ang mga yummylicious bagets na may juice at tinapay.
Ang mga bading, lupaypay.
Hiningi na ng 2 beking comedian ang bayad. Bigla ba namang sabihin ng male politician na kesyo wala silang usapan ng coordinator ng 2 bading.
Tinawagan ng isa ang kaibigang kausap at doon nalaman na dapat ang 2 gay comedian ay babayaran ng P10,000 each.
Kinausap uli ng 2 beki comedian ang male politician, pero pinaikut-ikot sila at pinaghintay.
Binakla!
Buribot na ang dalawa! Gutom jones at pagod na pagod, tapos, hindi babayaran?!
Ano ‘to?!
Hanggang nagmura na ang isang gay comedian at sinabing kapag hindi sila binayaran, ibubunyag nila ang bantot ni hermano mayor na kahit kinse anyos pa lang ang bagets eh chinu-chupa-chups!
Chinu-chupacabra!
Ichichika rin ni gay comedian na ang actress na anak ni male politician ay may anak na pero idine-deny pa.
Natakot ang male politician na retokado ang mukha.
Biglang inilabas ni hermano mayor ang pitaka, ibinigay ang bayad sa dalawang beki comedian at bineso pa ang mga ito.