Pulong, Mans tinabla si Trillanes sa areglo

Ipinahayag ng kampo ni dating Davao City Vice Mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte at ng bayaw nitong si Atty. Manases ‘Mans’ Carpio na hindi pumayag ang mga ito na makipag-areglo sa sinampang libel case laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Nabatid kay Atty. Ranier Madrid na nagkaroon ng pagpupulong ang kanilang kampo at ang mga kinatawan ni Trillanes noong Marso 22 pero wala aniyang nabuong kasunduan ang magkabilang panig.

Ayon kay Madrid, hindi handang makipagkasundo sa senador sina Duterte at Carpio.

Nag-ugat ang libel case laban kay Trillanes sa pahayag ng senador na sangkot diumano sa illegal drug trade ang presidential son at nangikil sa ilang ride-sharing company.

Ang pag-uusap ay base na rin umano sa utos ni Davao City Regional Trial Court Branch 54 Presiding Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang na magkaroon ng mediation meeting ang magkabilang kampo.