Pulong, tamad at laging absent ‘yan sa Kongreso! — Digong

Kinantiyawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang anak na si Paolo Duterte matapos na hindi dumalo sa miting de avance ng Hugpong ng Pagbabago sa Davao City noong nakaraang Biyernes.

Tinawag ng Pangulo na `lazy fool’ o tamad ang nagbitiw na vice mayor ng Davao na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-congressman ng Davao City 1st District.

“Davao City Mayor Inday Duterte; the incoming — if God wills it, Baste Duterte; and the incoming — if he’s even coming at all. The first district — is that him? Is that Pulong? Is Pulong here? Where is he? What a lazy fool,” sabi pa ng Pangulo sa kanyang speech,

Nagbiro na ito na tiyak na magiging pala-absent ang kanyang nakakatandang anak sakaling mahalal ito sa Kongreso.

“For the first district congressman, si — where’s Pulong? I can already guess that Pulong will be one of the most hardworking officials. Every day that a hearing is held on Congress, he won’t be present,” biro pang pahayag ng Pangulo. (Prince Golez)