Patay ang isang umanong tulak ng droga matapos pumalag sa mga pulis sa buy-bust operation kahapon ng madaling-araw sa Makati City.
Dead on the spot ang suspek na si Rogelio Solo, nasa hustong gulang dahil sa tinamo nitong ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa report ng Southern Police District (SPD), dakong alas-12:30 ng madaling-araw ng magsagawa ang operatiba ng District Anti-Illegal Drugs ng buy-bust operation laban sa suspect sa Brgy. Olympia, sa nasabing lungsod.
Nakatunog umano ang suspek na pulis ang katransaksyon niya kaya agad bumunot ng baril subalit, naunahan siya ng mga pulis.