Pumatay kay Floyd singilin – Jackson

Buhay ang inutang, buhay rin ang kabayaran!

Ito ang sigaw ni former NBA star Stephen Jackson sa paghihimagsik ng kalooban sa kamatayan ng BFF niyang si George Floyd tapos hulihin ng apat na pulis sa Minneapolis.

“I know we not gonna get the death penalty but I’m goin for it,” galit na sambit ng dating San Antonio Spurs cager sa The Breakfast Club.

Magkababata sina Jackson at Floyd. Sabay na lumaki sa Houston kung saan tinuturing pa ng 1xNBA champion na kakambal si George.

Katwiran niya’y dapat ding mahatulan ng kamatayan ang ‘killer-cop’ dahil sa ‘ racial injustice’ na pagpatay kay George na isang African-American at dinakip sa kasong ‘forgery’ o pamemeke ng dokumento.

Nag-viral ang video ng 46-anyos na si Floyd matapos posasan ng pulis at i-pin down sa kalsada.

Kitang idiniin ng pulis ang tuhod sa leeg ni Floyd.

Sa kabila ng pagmamakaawa na tigilan na ang pagdagan sa leeg nito, dinedma lang siya hanggang sa malagutan ng hininga.

Dahil sa kalupitan ng pulis, gusto rin ni Jackson na masaksihan ng mundo kung paano ito patayin ang law enfoprcer.

“We had to see it, the world had to see it, my brother die then the world has to see one of them die. That’s the only way we gon’ get justice.” (Aivan Denzel Episcope)