Punong nalalagas ang mga dahon

Dear Dream Catcher:

Napanaginipan kong nakatayo ako sa ilalim ng puno tapos bigla na lamang daw naglaglagan ang mga dahon. May dahon na tuyo at kahit dahon na maberde pa ay nagbabagsakan na rin sa kinatata­yuan. Hindi ko rin po maalala kung anong klaseng puno. Ano po ang ibig sabihin ng pa­naginip ko?

Marjo

Dear Marjo:

Ang puno ay simbolo ng buhay. Ang ganitong panaginip ay itinuturing na isang positibong panaginip.

Ang mga dahon ay maikokonek sa iyong emosyon at sa iyong pakikisalamuha sa iba’t ibang tao. Ang iyong panaginip ay mas nakapokus sa mga dahon kaysa buong puno. Ang kulay ng mga dahong nalalaglag ay representasyon ng mga pangyayari sa iyong buhay.

Ang paglaglag ng mga dahon ay puwede ring may negatibong indikasyon.

Posibleng kailangan mo nang tumayo sa iyong sarili at magpakatatag.

Ang puno ay simbolo rin ng katatagan. Kung ang puno ay malakas pa, maraming dahon at matikas pa ang pagkakatayo, puwede itong ikumpara sa iyong taglay na lakas. Kahit maraming unos ang dumaraan, tulad ng isang puno ay meron ka pang lakas, kaya mong maging matatag kung ipopokus mo lamang ang iyong sarili sa mga positibo.

Dream Catcher

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay.

Sa mga gustong isangguni ang kanilang pa­naginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.