May simpleng pa­nawagan si Senador Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri sa mga kapwa senador, partikular, iyong mga taga-oposisyon, na magtungo sila sa Marawi City para personal nilang makita ang lawak ng pinsala na nangyari sa giyera doon.

Ayon kay Zubiri, kailangang makita ito ng kanyang mga kasama sa Senado para mapagtanto nila ang kahalagahan ng agarang pag-apruba ng pondo para sa rehabilitasyon ng lungsod.

“Iba ang nakikita natin sa TV, sa newspaper, hindi natin maa-appreciat­e kung gaano ka-grabe ang destruction kung hindi makikita nang personal,” pahayag ni Zubiri sa isang himpilan ng radyo kahapon.

“I think this is the worst man-made calamity na nangyari sa atin. Ang importante dito paano natin ibabangon ang Marawi,” dagdag pa ng senador.

Kontra naman dito si Senador Gregorio ‘Gringo­’ Honasan na chairman ng Senate ad hoc Committee on Rehabilitation and Reconstruction dahil baka makaabal­a lang sila sa mga sundalo at pulis na nagbabantay sa Marawi City.

“Baka makaabala lang kami sa mga nagbabantay sa Marawi. Poproblemahin pa nila ang seguridad namin,” giit ni Honasan.

“Kung pakay lang ay makasama kami sa 6 o’clock news huwag na lang,” wika pa ni Honasan.