Nilinaw ni PDP Laban Policy Studies Group head at Membership Committee National Capitol Region chairman Jose Antonio Goitia na muling nawala sa konteksto si Pangulong Rodrigo Duterte nang ikumpara ang sarili at ang kanyang giyera kontra droga kay Adolf Hitler at sa pagpatay sa anim na milyong Hudyo sa panahon ng Holocaust.
Ani Goitia, ang makulay na lengguwahe ni Duterte ay laging nabibigyan ng ibang kahulugan ng media kaya nababalewala ang konteksto at hindi nakukuha ang kanyang punto.
Nilinaw ni Goitia na dapat pakinggan nang buo ang sinabi ni Duterte para maintindihan ang kanyang reaksiyon sa pagkondena ng United States at European Union sa giyera kontra droga na nagmamalasakit lamang siya sa pambansang interes kaysa reputasyon niya sa pandaigdigang komunidad.
Humingi na si Duterte ng paumanhin sa mga Hudyo sa buong mundo at nilinaw na magkaiba ang kanyang giyera kontra droga laban sa mga kriminal at salot sa lipunan sa Holocaust ni Hitler na idinetine ang anim na milyong inosenteng Hudyo sa concentration camp at minasaker sa gas chamber.
Ha ha ha ha …ganyan ang mga sanggol at bata na kailangan unawain at intindihin ng mga magulang ang mga kinikilos at sinasabi…Mayor, nag aral naman ata kayo at ipinagsisigawan pa ninyo na ikaw ay isang abogado..esep esep muna bago magbitiw ng mga salita na nakakasakit sa teynga at damdamin ng mga tao…
HAHAHA …SEYEMPRE PARA KUMITA ANG NEWS NILA GAGAWING INTRIGA YUNG BALITA….HAHAHA PAKSHET!!!!
Sinto sinto lang ang makakaintindi sa sinto sintong presidente. Itanong ninyo pa sa mga dutertards lol
Wag daw masyadong literal sa mga sinasabi ni Du30. WTF pag iisipin pa ang mga Filipino kung ano ang nais ipunto ni Mayor!
Ha ha ha.
ANG SABIHIN MO KURYENTE NANAMAN KAYO!
Kailan ba ilalabas ung Dutete’s diksyunario? Nahihirapan din akong sakyan ang pananalita nya eh.
WOW MALI NA NANAMAN?