Viral sa social media ang video na ipinost sa Facebook ng isang kustomer na padre de pamilya na nagreklamo dahil sa tila diskriminasyon umano sa kanila ng isang sangay ng Puregold.

Umabot na sa higit isang mil­yong views ang video at humamig din ng 22,080 shares, 3,000 komento at 4,800 likes makaraang i-post ito ng netizen na si Bamboo Sarip.

Sa naturang video kung saan ipinakita ang manager ng naturang sangay ng Puregold na nagpakilala sa ­pangalang Cecille, nagrereklamo ang ­padre de pamilya dahil sa sistema ng pagbibilang sa kanilang mga pinamili.

“Sinira n’yo ang oras namin, ang mga anak ko nagsisiiyak sa taas, tapos tatlong beses binilang dito (counter)…ng mga tauhan n’yo,” sabi nito.

“Bakit ba, dahil ba nakakumbong s’ya? Ha? Dahil Muslim kami sasabihin n’yo sampung beses bilangin? Kung may sobra na hindi nabayaran, ‘Ma’am ‘di nabayaran,’ okay babayaran, babayaran namin nang tama,” sabi ng nagre­reklamong kustomer.

Pinaulit pa ng kustomer ang pagbilang para makita ng ma­nager na si Cecille upang wala umanong masabi sa kanila.

“Bad trip ako sa inyo, ta­laga bad trip ako sa Puregold. Kala ko ba Puregold pang-masa, ha? ‘Di porke’t Muslim lahat na. ‘Di ‘wag n’yo naman sayangin ‘yung oras, kung may mga konting aberya sabihin n’yo ‘Ma’m ganito, may kulang, may sumobra,’ eh ‘di tanggalin n’yo, ‘di ‘yung pinapatay n’yo ang oras,” sabi pa ng kustomer.

Nakakuha ng simpatya mula sa mga netizen ang natu­rang kustomer at inupakan ang Puregold, na pag-aari ng ­Chinese-Filipino businessman na si Lucio Co.
Arnaldo Lapitan: May mga bwisit talaga dyan sa puregold lalo na yung mga cashiers hindi man lang mangiti pero hindi naman lahat ah yung ibang supervisor pa ngá pala nila hindi marunong ngumiti parang binagsakan ng langit at lupa ang mga pag mumukha at pag may tinanong ka hindi kaagad sumasagot pwera lang sa mga dizer nila.

Cindy Nova: Wag mamili s pure gold maarte policy jan…yun mga muslim jan nakita nyo video wag na kyo mamili jan.

Jen Tom-Tom Yong: iba kc porket muslim bad na tingin nila….hnd naman lahat ng tao eh parepareho…
Khay Ashley Simpson: Wla kwenta sa puregold mamili bilangin nla pa ulit ulit matgal n nla sistema yn.

Pero may mga nakisimpatya rin sa mga staff ng Puregold.

Grace Corpuz Visda: true kuya ginagawa lng nila ang work nila..di nyu po ba alam na dahil jan sa post nyu pwede mawalan ng work c bagger at c kahera.

“Sana ganun po kadali diba..pero naisip nyu po ba ung hirap ng work nila para maging perfect lahat ng gagawin nila magkakamali at magkakamali po talaga cla..wala ping taong perpekto..pero lahat ng tao deserve ng second chance..,” dagdag pa ng netizen na si Visda.
Wala pang pahayag ang pamunuan ng Puregold tungkol sa insidente.