Puro papogi lang ako – Kobe Paras

Hindi napigilan ni UAAP star Kobe Lorenzo Paras ang pumatol sa isang basher matapos magsalita sa iba’t ibang isyu ng lipunan.

Sa tweet ng UP stalwart kahapon, nilagay niya ang mga hashtag na #BLM (black lives matter) at #JunkTerrorBillNow, isang basher ang nagsabi na mag-donate si Kobe imbes na magpapogi.

Dahil dito’y pumalag ang anak ni PBA legend Benjie Paras, na isa sa mga atletang vocal pagdating sa ilang isyu tulad ng anti-terrorism bill sa bansa at George Floyd murder sa USA.

“Tama ka. Puro pa pogi lang ako,” anang batang Paras. “Papogi lang ‘yung ‘pag salita ko para sa mga kababayan ko. Pa-pogi lang ako sa pagsalita para sa mga isko at iska ko.”

Pinatamaan pa ni Kobe ang netizen na sinabing magdodonasyon siya dito para matuwa naman ito.

“Ano bank number mo bro? Donate ako sayo para naman masaya ka. Kawawa ka naman eh,” panapos niyang hirit. (Raymark Patriarca)