Arestado ang apat na hinihinalang drug pusher nang magsagawa ng “One Time Big Time” operation ang mga tauhan ng Pasig City Police kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director Chief Supt. Romulo Sapitula ang apat na sina Jarvy De Guzman, Kim Jhozelle Silva, Kimberly Pancho at Ma. Meliza San Pedro, pawang nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Caniogan, Pasig City.

Nadakip sa bisa ng search warrant na ipina­labas ni Judge Danilo Cruz ng Pasig Regional Trial Court, Branch 152, dakong ala-una ng mada­ling-araw sa 42 Karunu­ngan St., Brgy Caniogan sa nasabing lungsod.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya hinggil sa ilegal na gawain ng apat na suspek, kaya minanmanan na ang galaw ng mga ito at nang makurpirma ang bawal na gawain ay kumuha ng search warrant ang mga awtoridad hanggang sa maaresto ang mga ito.

Nabawi sa apat ang pitong plastic sachet na naglalaman ng ipinagbabawal na gamot at iba’t-ibang drug paraphernalia.