Pusher bulagta sa buy-bust

“Tang… .na, Pulis ka”.

Ito umano ang sinab­i ng nasawing suspek na si Ruel Baldesoto, tinata­yang nasa 45 ang edad at residente ng Gate 20, Parola Compound, sa Tondo saka bumunot ng baril at pinaputukan ang poseur buyer na si PO3 Reynaldo Cordova, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Nakatakbo at nakapagkubli naman si Cordova at sa pangambang nasa panganib ang buhay ng kanyang tauhan, napilitan si PCInsp. Michael Garcia na barilin ang suspek.

Nagawa pang maisugod ang suspek pero hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Memorial Medical Center (GABMMC) dahil sa tama ng mga bala sa katawan.

Sa imbestigasyon ni SPO2 John Charles Duran ng Manila Police District-Homicide Section dakong ala-1:45 ng madaling-araw nang ikasa ng MPD-Police Station 2 ang buy-bust operation laban sa suspek Pier 2, Isla Puting Bato.

Pero nakahalata ang suspek na pulis ang katransaksyon kaya bumunot ng baril at pinaputukan si Cordova.

Narekober ng mga pulis sa suspek ang isang kalibre .38 baril, apat na pi­rasong plastic sachet ng shabu at P100 na buy-bust money.