Pusher dedo, 7 pa huli sa Bulacan buy-bust

Patay ang isang tulak ng droga habang pito ang nadakip, kabilang ang isang menor de edad, makaraan ang magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Bulacan.

Sa operasyon ng Bulacan Police alas-2:40 ng madaling-araw kahapon, napatay ang suspek na kinilalang si Manuelito Figuroa alyas ‘Lito,’ ng Brgy. Muzon, San Jose del Monte City, na nagtamo ng tama ng bala sa katawan at nakuhanan ng isang shotgun at ‘di pa tukoy na halaga ng shabu.

Nakatunog umano si Figuroa na pulis ang katransaksyon at pinaputok nito ang dalang shotgun, na ginantihan naman ng pulisya.

Samantala, arestado naman sina Marlon de Leon, Mark Gil Dela Pacion, Ryan Macasling, Wilson Tan, Christian Hipe, Ruby Jane Layson at isang 17-anyos na lalaki sa magkakahiwalay na operasyon sa nasabing lalawigan dahil sa iligal na droga.