Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga at holdaper nang pasabugin ng dalawang bala ang ulo nito ng hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa sa Taguig City.
Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Mar Farro ‘alias Barok’, 23, binata, residente ng 475 Purok 6, Banal St., Brgy. Lower Bicutan ng naturang lungsod dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Blangko pa rin ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek at nagsasagawa pa ng follow-up hinggil sa insidente.
Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), dakong alas-10:25 ng gabi kamakalawa nang matagpuan ng ilang residente ang naliligo sa dugo at wala ng buhay na biktima habang nakabulagta ito sa kahabaan ng MLQU Avenue, Brgy. Lower Bicutan ng naturang lungsod.
Kung saan kaagad na ipinagbigay alam ang insidente sa tanggapan ng Taguig City Police na mabilis namang rumisponde.
Sa record ng Taguig City Police, nabatid na si Farro ay isa umanong tulak ng droga at kabilang ito sa kanilang drug watchlist. Isa rin umano itong kilabot na holdaper at miyembro rin ng isang akyat bahay gang.
Samantala, alas-4:30 naman ng madaling-araw nang madakip ng Station Anti-Illegal Drugs, Special Operation Task Group (SAID-SOTG), Muntinlupa City Police ang mga suspek na sina Alex Medina, 45; Francisco Rodolfo, 38 at Dexter Agbuya, 50, pawang mga taga Brgy. Cupang, Muntinlupa City.
Nadakip ng mga pulis ang tatlong suspek sa 70 Garcia Compound ng naturang barangay sa isang anti-illegal drug operation at nakumpiska sa mga ito ang ilang plastic sachet ng shabu.
Kasalukuyang nakakulong ang mga ito sa nasabing himpilan ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o dangerous drugs act laban sa mga ito.
kasalanan ni de lima yan!
Kuta talaga ng pusher ang taguig. karamihan ng napapatay dyan small time lang. malamang mga supplier o bigtime pusher ang nagpayari. pag small time pusher ka hahango ka lang naman ng shabu sa mga bigtime. kesa ikanta sila itumba na lang nila. dapat ang maubos pati ang mga bigtime pusher at supplier. marami dyan sa taguig. lalo na sa muslim area. pati nga mga taxi ayaw pumasok dyan sa muslim area, pinapatay kasi. tamang duda na informer.