Isang drug pusher na itinuturo ring snatcher at may kasong carnapping ang napatay makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang naglalakad pauwi sa Plaridel, Bulacan kamakalawa.

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Majid Pacuan, residente ng Sitio Barangay Banga 1st, Plaridel na namatay sa pook ng insidente makaraang magtamo ng tama ng bala sa katawan habang nakatakas naman ang dalawang armadong suspek gamit ang motorsiklo.

Nabatid na naglalakad ang biktimang si Pacuan pauwi sa kanyang tinitirhan nang bigla itong hintuan at pagbabarilin ng riding-in-tandem at nang matiyak na napuruhan na ang pakay ay tumakas ang mga ito.