Pusher nagbuwis ng buhay sa ₱600K

Kumagat sa pain ng pulisya ang dalawang notoryus na drug pu­sher matapos ang isina­gawang buy-bust ope­ration sa Calauan, Laguna kamakalawa nang umaga, na humantong sa kamatayan ng isa sa suspek.

Sa report ng Calauan police, dakong alas-kuwatro ng madaling-araw nang isagawa ng mga tauhan ng Laguna Regional Drug Enforcement Unit at Calauan PNP ang buy-bust laban sa mga suspek na isang alyas ‘Marlon Bakla’ at isang hindi kinilalang kasama nito sa Brgy. Dayap ng munisipalidad.

Nagkaroon ng engkuwentro matapos na lumaban ni Marlon sa aarestong awtoridad ngunit agad itong namatay, nakuha sa kanya ang isang 9mm na baril.

Halagang P600,000.00 pekeng boodle money na pain ng pulisya upang malambat ang dala­wang suspek.

Nasabat dito ang mga sachet ng shabu na tumitimbang ng nasa 150 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P600,000.00 batay sa taya ng Dangerous Drugs Board, kabilang din ang buy-bust mo­ney at P1,320.00 cash.