Pusher ng Bulacan napatay

dead body

Isang notorious pusher na nasa listahan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council ang napatay sa buy-bust operation sa Meycauayan Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang napatay na tulak na si alyas ‘Tulok’, residente ng Brgy. Lawa, Meycauayan City na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang katawan at narekober sa kanyang pag-iingat ang isang cal. 38 at tatlong pakete ng shabu.

Bandang alas-10:20 ng gabi nang isailalim sa illegal drug operation ang suspek na si alyas ‘Tulok’ sa Sili St., Barangay Lawa ng nasabing lungsod na napatay matapos manlaban sa mga awtoridad.