SANTA ROSA, Nueva Ecija — Patay matapos asintahin sa panga ng ‘di nakilalang riding-in-tandem ang isa umanong drug pusher kamakalawa ng umaga sa bayang ito.

Ayon sa ulat, nakilala ang biktima na si Arthur Reyes Dela Cruz, 39, residente ng Brgy. Malabon Kaingin, Jaen, Nueva Ecija.

Nabatid sa pagsisiyasat na dakong alas-11:20 ng umaga nagmamaneho ang biktima ng motorsiklo, sakay ang asawa at 5-taong gulang na pamangkin nang mula sa likuran ay sumulpot ang mga salarin at binaril nang minsan ang biktima.

Nadala pa sa ospital ang biktima subalit ‘di na umabot nang buhay.