Isang tricycle driver na sideline ang pagtutulak ng shabu ang napatay makaraang manlaban sa buy-bust operation sa Barangay Coral na Bato, San Rafael, Bulacan kamakalawa.
Ayon sa report, nakilala ang napatay na pusher na si Ariel Pascual alyas ‘Bong at Nieto’ na namatay sa pook ng barilan bunga ng tama ng bala sa kanyang katawan.
Nabatid na isinailalim sa illegal drug operation ang suspek ngunit nakatunog na pulis ang kanyang kausap kaya bumunot ito ng baril at nanlaban kaya napatay sa engkuwentro.
Nakuha sa suspek ang cal. 22, anim na pakete ng shabu at traysikel na Kawasaki.