Pusher patay sa agaw-baril sa Bacoor

BACOOR, Cavite — Patay ang isang hinihinalang drug pusher matapos mang-agaw ng baril ng pulis escort sa Bacoor City kahapon ng ¬†mada¬≠ling- araw.

Ayon kay Bacoor City Chief of Police Supt Christopher Olazo, unang nadakip sa isang buy-bust operation sa Barangay Talaba Uno ang suspek na si Melchor Supsupin kung saan nakuha mula dito ang dalawang sachet ng shabu.

Sakay ng mobile car, dadalhin sana ng mga pulis ang suspek sa hospital para isailalim sa medical checkup nang agawin nito ang baril ng driver na si SPO1 Ian Matto habang binabaybay ang kahabaan ng Molino Road.

Napilitan umano si PO1 Jimmy Ikan na paputukan ang suspek matapos tumanggi itong sumuko at akma silang papuputukan.

Naisugod pa sa St. Dominic Hospital ang suspek pero idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.