Isang tulak ng droga na armado ng maigsing baril ang napatay makaraang manlaban sa operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Balagtas PNP nang maramdamang pulis ang kanyang kanegosasyon sa bentahan ng shabu sa Bigaa Matanda Road, Barangay San Juan, Balagtas, Bulacan, kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Inspector Napoleon Cruz, Balagtas police chief, ang napaslang na tulak na alyas ‘Good Job’. Ito ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kaliwang dibdib matapos manlaban sa awtoridad at makumpiskahan ng isang kalibre .38 rebolber at limang pakete ng shabu.

Alas-5:30 ng hapon ang operasyon kung saan napansin ng tulak na pulis ang kanyang pinagbebentahan ng shabu kaya agad itong nagbunot ng baril at pinaputukan ang poseur-buyer. Dito napili­tang gumanti ng putok ang awtoridad na naging sanhi ng pagkamatay ng suspek