Naaresto ng mga pulis ang isang drug pusher at nakumpiska dito ang tinatayang P2 million halaga ng shabu sa operasyon sa Lipa City, Batangas kahapon ng umaga.

Kinilala ni Chief Supt. Guillermo Eleazar, regional director ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) police, ang suspek na si Marcial ­Orbigoso.

Si Orbigoso ay nadakma sa operasyon bandang alas-singko ng umaga sa Barangay Pangao.

Sa bisa ng search warrant, ginalugad ng mga police ang bahay ng suspek para sa illegal firearms kungsaan nakumpiska dito ang isang kalibre .45 baril.

Subalit sa search operation, bumulaga din sa mga pulis ang 14 na plastic bag na naglalaman ng 300 gramo ng shabu.