Nag-post sa Insta­gram ­(@amy­forteza) ang nanay ni Barbie Forteza na si Mommy Amy ng picture nila ng Mother’s Day ­dinner kung saan kasama nila ng young actress ang mister­ niya at ilang mga kaibi­gan ang Meant To Be co-star ng anak na si Jak Roberto.

Kailangan pa ba naming ipangalandakan na there’s something romantic going on between Barbie and Jak?

Obvious na obvious na masaya si Barbie sa piling ni Jak!

Pero siyempre, sa Meant To Be, hindi pa rin siya ‘pag-aari’ ng cha­racter ni Jak dahil pinag-aagawan pa rin siya ng characters nina Ivan Dorschner, Addy Raj at Ken Chan.

Sa istorya ng Meant To Be, wala pa ring nananalo sa apat, pero sa totoong buhay, panalo na si Jak, huh!

Anyway, nagse-­celebrate ngayon ang mga taga-Meant To Be­ dahil ‘yung mall show nila sa Robinson’s ­Angeles ay record-breaking dahil halos 30,000 fans ang nagpunta para suportahan sila!

Going back to ­Mommy Amy, nakakuwentuhan namin siya kahapon at nasabing after ng mall show nila sa Robinson’s Angeles ay nag-decide sila na mag-dinner at isinama nila si Jak.

Sa tingin namin, boto si Mommy Amy dahil panay ang puri niya kay Jak tuwing nakakatsikahan namin siya!

***

MAY pa-Mother’s Day dinner ang magkapatid na Robin at Rams Nievera sa nanay nilang si Pops Fernandez.

Kasama sa dinner na ‘yon ang anak ni Zsa Zsa Padilla na si Zia Quizon.

Matagal-tagal na ang relasyon nina Robin at Zia, pero hindi masyadong nag­kukuwento tungkol doon si Pops.

Ang alam ni Pops, kahit parehong singer ang kanyang anak at si Zia, mas gusto­ ng mga ito na ma­ging ‘private’ ang kanilang relasyon.

Malayo si Pops sa ibang parents na nagkukuwento ng tungkol sa relasyon ng kanilang mga anak.

Basta ang sinasabi lang ni Pops tungkol sa anak ni Zsa Zsa, sweet si Zia.

Sabi ng mga ma­lalapit kina Robin at Zia, sobrang ganda ng relasyon ng dalawa!

***

Sa Mayo 22 na ang pilot telecast ng ­Mulawin vs. Ravena ng GMA 7.

May ibang mga nag-aakala na biglaan ang pilot telecast ng nasa­bing telefantasya ng Kapuso network na ang ilan sa mga bida ay sina Regine Velasquez-Alcasid, TJ Tri­nidad at Lovi Poe.

Sabi ng isang lady boss ng Siyete, ­sinadya nilang huwag i-announce kaagad ang pilot telecast ng Mulawin vs. Ravena, pero noong una pa lang, Mayo 22 na ito naka-set na ipalabas.

Makakatapat ng Mulawin vs. ­Ravena sa ABS-CBN ang ­action series ni Coco Martin.

Aware rin ang kausap namin na hanggang 2018 pa ang airing ng katapat nilang show sa Kapamilya network at OK lang daw ‘yon!

Samantala, ilan sa mga artistang kasama sa cast ng Mulawin vs. Ravena na nasa bonggang press presen­tation nila noong isang gabi ang kaagad na ­tumakas sa nasabing event, kaya hindi na nainterbyu pa ng entertainment press.