Puso ni St. Camillus de Lellis dadalhin sa Navotas, Caloocan

Nakatakdang dalhin sa darating na Linggo sa Navotas at Caloocan City ang hindi naaagnas na puso ni St. Camillus de Lellis, ang patron ng mga may sakit, nurse at mga ospital.

Bahagi ito ng ikalawang Journey of the Incorrupt Heart Relic of St. Camillus de Lellis sa bansa na unang dinala sa Pili­pinas noong 2013.

Dadalhin muna ang heart relic sa Sto. Niño de Pasion Quasi Parish sa Daanghari, Navotas City sa Marso 24 ng alas-11:00 nang umaga at magsasagawa ng healing session at anointing of the sick.

Susunod itong dadal­hin sa San Roque Cathedral sa Caloocan City kung saan magkakaroon rin ng welcome at hea­ling mass at susundan ng public veneration.

Mananatili ang heart relic sa diocese ng Caloocan City hanggang sa Lunes kung saan inaa­sahan ang pag-aalay ng farewell mass.

Anim na taon na ang nakalipas nang unang dinala ang heart relic ni St. Camillus sa Pilipinas noong 2013 na maalab na tinanggap ng mga deboto. (Mia Billones)