AYON sa kritikong si Mario Bautista, ang 13th edition ng Cinemalaya ay “festival ng mga ­direktor na hindi marunong magdirek.”

At ang best film sa Cinemalaya ngayong ­taon ay ang opening film na Birdshot.

***

Hindi po gay film ang Birdshot.

Wala itong kinalaman sa ‘angry birds’ ng mga lalaking hubadero.

Official entry ito sa Pista ng Pelikulang Pili­pino na magsisimula sa Agosto 16.

Dapat pusuan ito ng moviegoers na naghahanap ng matitino at makatuturang pelikula.

***

Gaganapin ang Pusuan Mo si Vice Ganda sa Korea: Nagmahal. Nasaktan. Nag-concert. sa August 13 sa Ansan Olympic Hall, Ansan ng South Korea.

Kasama ­rito ng Unkabo­gabol Star ang It’s Showtime co-host na si Ryan­ Bang na tubong South Korea at ang mga komedyanteng sina MC Calaquian at Lassy Marquez.

***

May nadirek nang short film si Yul Servo.

Inulam ang title nito.

Kaso, ‘nawala’ ito. Nasira ang computer na nilagakan ng mga nakunang eksena.

Hindi na iyon na-­retrieve.

Gusto pa rin ni Yul na magdirek ng pelikula.