Pormal nang pumasada ang inisyal na 15 buses na bahagi ng inilunsad na Public Utility Vehicle Modernization Program sa bayan ng Naic Cavite.

Kargado ng CCTV cameras, GPS at onboard wifi ang 22 seater na mga aircon buses na bumibiyahe sa ruta ng Naic Cavite hanggang Zapote, Las Piñas City.

Naging posible ang programa sa pagtutulungan ng Dept. of Transportation (DOTr), lokal na pamahalaan ng Naic Cavite sa pangunguna ni Mayor Junio Dualan at MCCI Connection Transport Services Corporation na nirepresenta nina CEO Christopher Ignacio at President Cherry Tri­nidad.

Dahil sa moderniza­tion program, inaasahang mababawasan ang mga bumibiyaheng kolorum bus at ‘out of condition’ na mga PUV na kalimita’y nagiging ugat pa ng aksidente at abala sa trapiko.

Plano ring ilunsad ang isang App na magbibigay daan para mas madaling malaman ng mga commuter ang lokasyon ng mga moder­nize bus na kanilang sasakyan.