Puwede na mag-shopping! Mall, salon sa mga GCQ area bukas na sa May 1

Papayagan nang mag-operate ang mga tindahan ng damit, salon, spa sa mga mall at commercial center sa mga lugar na nasa ilalim general community quarantine (GCQ) simula sa Biyernes.

Inanunsyo ng Malacanang na ilang panuntunan ang niluwagan sa mga lungsod at probinsya na may mababa at moderate na banta ng coronavirus infection . Ilan sa mga lugar na ito ay sa labas ng Metro Manila, Central Luzon at CALABARZON

Sa ilalim ng Resolution No. 29 na inisyu ng Inter –Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases , puwede nang magbukas ang mga barbershop, accessory shop at mga non leisure store sa Mayo 1

Ilan sa mga serbisyong pinayagang magbukas ay ang construction; forestry and logging; wholesale at retail trade, repair shop ng mga sasakyan at motorsiklo; publishing activities; advertising and market research; real estate activities; office administrative, office support at ibang business activities; insurance, reinsurance, pension funding; architecture atengineering activities; scientific atresearch development; social work activities; at government office (frontline offices).

Habang bawal pa rin ang mga gyms/fitness studios at sports facility; entertainment-related mass gatherings; business-related mass gatherings; politically-related mass gatherings; sports-related mass gatherings; libraries, archives, museums, at ibang r cultural activities; gambling at betting activity ; travel agency, tour operator, reservation service at related activities; at mga membership organization.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Biyernes na ang mga mall operations ay papayagan na sa mga lugar na kasama sa GCQ.

“Essential businesses like supermarkets, drugstores, banks, laundry services, restaurants (for takeout and delivery), and hardware can operate,” sabi ni Roque .

Tanging may edad 21 hanggang 59 na ID at hindi mukhang maysakit ang papayagang makapasok sa mga stablishment. Kailangan din kunan ito ang temperature at dapa magsuot ng facial mask.