Habang papatagal ang ECQ, parami rin nang parami ang kumakati ang paa dahil pahaba nang pahaba ang panahon na hindi sila nakakapagmaneho.
May iba nga na talagang hindi na makatiis at lumalabas pa rin ng garahe o umaalis sa parking area matanggal lang ng bahagya ang kati sa paa sa pagmamaneho.
Pero gaya nga po ng aking binabanggit, hindi po talaga nararapat na lumabas ngayon dahil kailangan nating lahat na iwasan ang pagkalat ng COVID19 kaya chillax chillax lang muna sa bahay at gamitin ang sobrang oras sa mga bagay-bagay tungkol sa ating mga sasakyan.
Noong nakaraan, nagbanggit ako ng ilang puwedeng gawin sa ating mga habang naka ECQ ang ating mga lugar para mayroon tayong pangontra inip kaya ngayon eh dagdagdan natin ito ng ilan pa ngayon.
Sa baterya- Dahil nga matagal tagal nang nakatengga ang ating mga sasakyan ay paandarin po natin ito kung dalawang lingo nang hindi naiistart, sa loob ng limang minuto ay iangat sa 2 ang rpm at ibaba sa idling sa susunod na limang minuto upang madagdagan ang karga.
Puwede niyo rin pong silip-silipin ang ilalim para makitta niniyo kung may mga maluluwag na turnilyo at fittings na kung kayo ay nagpakabit ng aftermarket parts gaya ng stepboard at bullbar o kaya ay may pinagalaw.
Malalabong headlights-Subukan po ninyo na pahiran ng puting toothpaste, yun pong original na toothpaste hindi yung gel type at pagkatapos ay punasan ng medyo madiin ng cotton cloth o yaong katulad ng ginagamit sa pagwawax. Makikit po ninyo lilinaw ang headlight.
Bukod sa headlight ay puwede rin itong gawin sa ibang mga ilaw gaya ng foglamps tail lights at iba pang ilaw sa labas para magmukha silang bago.
O ayan ha, me dagdag na naman kayong gagawin lalo na yung mga first-time car owners.
Ayos ba?