Malupit ang katawan at puwet! Iyan ang malamang na maisip ng mga barakong makakasilip ng very hot na Instagram post ng beauty queen na si Apriel Smith.

Suot ang skimpy sexy orange two piece bikini, hot na hot ang porma ng naturang IG post ni Apriel habang nagtatampisaw sa dagat.

Kakaiba ang kaseksihan ni Apriel, lalo na ang kanyang butt na animo isang magnet na kayang hatakin ang mga kalalakihan upang magpiyesta ang kanilang mga mata sa taglay niyang alindog.

Si Apriel ay isang Fil-Am na tubong Cebu. Siya ang unang itinanghal na Binibining Cebu noong 2017. Ang 5’ 9” Cebuana stunner ay tinagurian din bilang Black Barbie ng ‘Pinas.

Siya ay 24 years old, isang model and event host, at nakatakdang sumali sa Miss Universe Philippines 2020.

Bukod sa pamatay ang kariktan ni Apriel, may taglay siyang kakaibang charm na patok at hahanap-hanapin ng mga kalalakihan.

Sapat ang kakaibang lakas ng sex appeal ng dalaga para makompleto ang araw at maghatid ng ngiti sa labi ng maraming kalahi ni Adan. (Nonie Nicasio)