Siniguro ng Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) na makukuha na ng Premier Volleyball League (PVL) ang international transfer certificates (ITCs) ng imports para makalaro na sa Reinforced Conference.

Ayon kay LVPI acting president Peter Cayco kahapon, tinatrabaho na nila ang ITCs na naging sanhi ng sagutan nina Philippine Super Liga head Ramon ‘Tats’ Suzara at PVL president Ricky Palou.

Sinabi pa ni Cayco na nakuha na ng LVPI ang ­access sa FIVB database at hiniling nila ang mabilisang proseso para sa ITCS ng mga PVL imports.

“Hintay na lang ng konti,” saad ni Cayco. “We are already doing it manually.”

Naglabas ng pahayag sina Perlas players Charo Soriano, Bea Tan at Dzi Gervacio, sinabi ng Beach Volleyball Republic founders na wala silang planong makipagtalo kanino man, gusto lang malaman kung bakit sobrang tagal i-release ang ITCs ng mga imports.

“We would like to let the public know that we reacted as result of frustration of what has been going on in Philippine Volleyball. Although others may have seen it as recklessness, we were in no way trying to disrespect anyone. It was and is in fact us trying to reach out to those who hold true authority,” saad ng statement nina Soriano, Gervacio at Tan.