Mga laro ngayon: (FilOil Flying V)
10:00 a.m. — Air Force vs. Mega Builders (m)
1:00 p.m. — Gamboa vs. Army (m)
4:00 p.m. — Power Smashers vs. UP (w)
6:30 p.m. — Adamson vs. Air Force (w)
Ayaw ng Hair Fairy Air Force na makipagsapalaran sila sa playoff, buo sa isipan nila na kalusin ang Adamson ngayong araw sa Premier Volleyball League Open Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan.
Panigurado sa playoff ang Lady Jet Spikers, pero puwede silang rumekta sa semifinals kapag tinalo ang Adamson-Akari sa nightcap.
“It’s better if we get straight to the semis and not gamble on getting in a playoff,” ani Air Force head coach Jasper Jimenez.
Dalawang slots na lang ang kulang para makumpleto ang Final Four, nauna roon ang Creamline (6-0) at defending champion Pocari Sweat, (5-1).
Nasa pangatlo ang Lady Jet Spikers (4-2), laglagn ang Lady Falcons (1-5).
Bukod sa Air Force, may tsansa rin ang BaliPure at BanKo-Perlas na makasikwat ng isa sa dalawang slots na natitira para sa F4.
Magkasalo sa fourth ang Water Defenders at Perlas Spikers sa 3-3.