PVL: Air Force landing sa semis

Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
4:00 p.m. – Creamline vs Perlas-Banko
6:30 p.m. BaliPure vs Pocari Sweat

pvl-airforce-adamson
Parang nag-aabang ng sasaluhing grasya si Lea-Ann Perez (10) ng Adamson na napatingala­ pa nang dukwangin­ ni Jocemer Tapic (17) ng Air Force ang bola sa net. Tinalo­ ng Jet Spikers ang Falcons 25-22, 25-16, 25-21 para maniguro sa semis ng PVL Open Conference. (Patrick Adalin)

Nilipad ng Hair Fairy Air Force ang pangatlong ticket sa semifinals matapos ratratin ang Adamson-Akari 25-22, 25-16, 25-21 kahapon sa 2017 Premier Volleyball Open Conference sa The Arena sa San Juan.

Solo sa tersero puwesto ang Lady Jet Spikers sa 5-2 karta, nasa unahan ang Creamline (6-0) at defending champion Pocari Sweat (5-1).

Bukod sa Lady Falcons (1-6), laglag na rin ngayong conference ang UP (2-5) at Power Smahers (1-6).

Kinaldag ng Lady Maroons ang Power Smashers, 25-17, 21-25, 23-25, 25-19, 15-11 sa unang laro.

Samantala, tangka ng Perlas-BanKo at Bali Pure na makahirit ng laro sa semis, totodo ang lahat para manaig kontra mga bigating katunggali ngayong araw sa parehong venue.

Tangan ng Perlas Spikers at Water Defenders ang 3-3 records, nag-aagawan sa huling ticket sa Final Four.

Katapat ng Perlas-BanKo ang Cool Smashers sa unang laro, toka ng BaliPure ang three-time champion Lady Warriors sa pangalawa.