Mga laro ngayon: (The Arena, San Juan)
10:00 a.m. — Mega Builders vs. Air Force (m)
1:00 p.m. — Cignal HD vs. Sta. Elena (m)
4:00 p.m. — Creamline vs. BaliPure (w)
6:30 p.m. — Pocari Sweat vs. Hair Fairy Air Force (w)

Binigyan ng Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. ng green light si volleyball superstar Alyssa Valdez na maglaro sa kanyang mother team Creamline sa semifinals ng Premier Volleyball League Open Conference.

Walang mantsa ang Creamline nang iwan ni 23-year-old Valdez, bumalik siyang malinis pa rin ang kanyang team.

Sinagasaan ng Cool Smashers ang lahat ng nakalaban sa elimination round, nasa tuktok ng standings sa 7-0 at katapat sa best-of-three semis ang No. 4 BaliPure ngayon sa The Arena sa San Juan.

Galing si Valdez sa 17-day training sa Japan kasama ang national team para paghandaan ang AVC Asian Senior Women’s Championship at 29th Southeast Asian Games.

Ayon kay LVPI acting president Peter Cayco, kailangan pa rin ni Valdez na manatili sa Orchid Hotel sa August 4-6 at Crimson Hotel para sa Asian Seniors.

“She still has to train and join the team in its hotel. Si coach Francis (Vicente) na bahala sa schedule niya. They have to sit down and discuss it,” ani Cayco.

Dadaan sa butas ng karayom ang Creamline laban sa Water Defenders dahil kinalos nito ang defending champion Pocari Sweat sa elims.

Magtatapat sa isang pares ng semis ang three-time champion Lady Warriors at Hair Fairy Air Force.