Nakabangon mula sa pagkakadapa ang Air Force nang ratratin sa five sets ang Perlas 26-24, 25-21, 23-25, 19-25, 15-13 kagabi sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan.

Takeoff agad ng dalawang sets ang Jet Spikers­ pero humataw ng dalawang sunod na frames ang Lady Spikers para itabla sa 2-2 at makahirit ng ­deciding fifth set.

Nilista ng Lady Jet Spikers ang 1-1 karta kapareho­ ng biktima.

Sa first game, nasingitan sa first frame pero naka­bawi agad ang BaliPure para patumbahin ang Power Smashers 17-25, 26-24, 25-23, 25-22.

“Masama ang laro,” bulalas ni BaliPure coach Roger Gorayeb. “I was looking for something from my players, I told them that it’s okay to commit miscues but we should learn from every mistake. Dun papasok ‘yung learning process, ‘yung maturity.”

Kinubra ng Water Defenders ang ikalawang ­sunod na panalo para solohin ang tuktok. Pinangunahan ng 20 points, 19 dito mula sa attacks, ni Jerrili Malaban ang BaliPure, may 15 si Grethcel Soltones.

Wala pa ring imports na naglaro dahil hindi pa lumalabas ang kanilang ITCs (International Transfer Certificate).

Samantala, umahon mula sa dalawang sets na pagkakabaon ang Sta. Elena para kalusin ang Cafe Lupe 21-25, 20-25, 25-14, 25-18, 15-12 at ilista ang unang panalo sa PVL men’s division.

Kumana si Ace Mandani ng 16 points, nag-ambag si Edward Camposano ng 14 markers para sa Wrecking Balls.