PVL: Banko Perlas pinondohan ni Gervacio

Mga laro sa Sabado:

4:00 p.m. – Iriga-Navy vs Adamson-Akari
6:00 p.m. – Pocari-Air Force vs Ateneo-Motolite

Balik sa porma ang Banko Perlas matapos hatawin ang 25-22, 25-21, 25-19 panalo kontra Iriga-Navy kahapon sa Premier Volleyball League Season 2 Open Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Tumipa si Dzi Gervacio ng 17 points, kasama ang 15 attacks at 10 digs para sa Perlas Spikers na nakalsuhan ang two-game skid at ilista ang 6-2 karta.

“It’s nice to be back here dito sa table na ito,” saad ni Perlas Spikers coach Dong Dela Cruz kasama si Gervacio sa postgame interview. “Siyempre na-relieve kami kasi two games kami na slide. Malaking bagay ito sa first game namin sa second round.”

Yumuko ang Banko sa league-leading Creamline at Pocari Sweat-Air Force.

Nag-ambag sina Sue Roces at Joy Dacoron ng tig-pitong puntos habang kumana si Fhen Emnas ng 25 excellent sets at walong digs para sa Perlas Spikers.

Hindi naglaro ang veteran setter ng Perlas na si Jem Ferrer.

The Lady Oragons dropped to 1-7 slate and absorbed ano­ther defeat at the hands of BanKo after a four-set loss in their first meeting.

Nagtala sina Joanne Bunag at Nene Bautista ng 14 at 11 markers ayon sa pagkakasunod para sa Lady Oragons.