Nasungkit ng Ateneo Lady Eagles ang bronze medal sa 3rd PVL Collegiate Conference 2019 matapos walisin sa best-of-three battle for third series ang DLS-CSB Lady Blazers sa Game 2 Sabado, 20-25, 14-25, 25-22, 19-25, sa FilOil Flying V Centre.

Hataw si rookie Faith Nisperos sa kanyang game-high 21 points mula sa 19 attacks kasama rin ang 14 excellent digs.

Umagapay rin si Julianne Marie Samonte ng 16 points sa likod ng 10 kills, 4 blocks at dalawang service aces.

Mayroong tig-12 ponits sina Pauline Gaston at Joan Narit para sa Katipunan-based spikers.

Tanging si Gayle Pascual lamang ang pumalag sa College of Saint Benilde sa inilistang 11 points. (Aivan U. Episcope)