creamlin-alyssa-valdez
Plakda si Alyssa Valdez ng Creamline sa paghabol sa bola sa laro kontra Adamson kahapon sa pagbubukas ng PVL Open Conference sa The Arena sa San Juan. Wagi ang Creamline 25-17, 18-25, 25-15, 25-22. (Jay Jalbuna)

Mga laro ngayon:
(The Arena, San Juan)
4:00 p.m. — UP vs Pocari Sweat
6:30 p.m. — Power Smashers vs BaliPure

Parehong naka-buena-mano ng panalo ang Creamline at Philippine Air Force sa magkahiwalay na laro sa pagbubukas ng Premier Volleyball League Open Conference kahapon sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nagsanib-puwersa sina Valdez at Morado upang tulungan ang Creamline na ligwakin ang Adamson, 25-17, 18-25, 25-15, 25-22, at ilista ang unang panalo.

Habang bumangon naman ang Lady Jet Spikers sa second set defic

it at talunin ang Perlas-Banko, 25-23, 9-25, 25-20, 25-20.

Buhay na buhay ang mga fans tuwing makikitang sine-set ni Morado ang bola kay Valdez lalo na sa fourth frame.

Nagbadyang itabla ng Lady Falcons sa 2-2 matapos nilang lumamang, 15-14, sa set four, pero pinagpalitang bigyan ng bola ni Morado sina Valdez at veteran Pau Soriano upang hatawin ang 5-1 run at mabawi ang manibela, 20-16.

“Ang ganda ng mga sets niya, palagi siyang nag-iisip nagiging madali sa amin pumalo dahil naibibigay niya du’n sa isa lang ang blocker,” patungkol ni Valdez kay dating Ateneo teammate Morado.

Kumana ng tig-18 puntos sina Valdez at Best Player of the Game Rosemarie Vargas habang may 11 markers si Soriano para sa Cool Smashers.

Tumikada si Morado ng anim na puntos kasama ang 36 excellent sets.

“Happy at masaya ako kasi ang daming bagong teammates na marami akong natutunan,” nakangiting saad ni Morado.

Namuno sa opensa para sa Adamson si Jessica Galanza na may 14 markers, mula sa 13 kills at isang block habang may tig-siyam na puntos sina Rizza Cruz at Christine Joy Soyud.