Nasingitan sa first set, tinuhog ng Far Eas­tern U ang next three para pabagsakin ang Ateneo 17-25, 25-21, 25-19, 25-14 sa Premier Volleyball League Collegiate Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan kagabi.

Kinubra ng Lady Tama­raws ang 2-0 card para solohin ang unahan sa Group A. Laglag sa 1-1 ang Lady Eagles.

Pinangunahan ng 16 points ni skipper Bernadeth Pons ang FEU, may 15 at 13 sina Toni Rose Basas at Jeanette Villareal. Nagsalansan ng 48 points mula attacks ang Lady Tams, may six kill blocks at 10 aces – apat dito mula kay Villareal.

Wala sa Lady Eagles sina Bea de Leon na may inasikaso at ang injured na sina Maddie Mada­yag (ankle sprain) at Ana Gopico (hamstring).

Sa isa pang laro, na­silat ng Adamson ang NCAA champion Arellano 25-20, 25-22, 25-15 at inupuan din ng Lady Falcons ang solo-lead sa Group B sa 2-0. Dumausdos sa 2-1 ang Lady Chiefs.