PVL: Lyceum, JRU unahan sa panalo

Parang hindi nagkaamuyan sina Nikka Dalisay (8) at Alyssa Eroa (16) ng San Sebastian, nagsabay pa sa pagpigil sa bola. Naubusan ang Lady Stags sa NU 25-21, 21-25, 25-11, 25-18 sa kanilang Premier Volley League Collegiate Conference match. (Patrick Adalin)

Mga laro ngayon (Filoil Flying V Center)
4:00 p.m. – SBC vs. CSB
6:30 p.m. – Lyceum vs. JRU

IIwas ang JRU na mabaon sa ilalim ng team standings, inaasahang itotodo nila lahat ng lakas laban sa Lyceum ngayong araw sa inaugural Premier Volleyball League Collegiate Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Bokya sa panalo sa dalawang laro sa Group A ang Lady Bombers, 0-1 ang Lady Pirates.

Bagama’t natalo sa tatlong sets, lumaban ng sabayan ang mga taga-Kalentong sa San Sebastian College noong Miyerkules.

Sina Shola Alvarez at Dolly Versoza ang tumikada sa opensa ng JRU, nagtala ng 13 at 11 markers kaya sila pa rin ang pangunahing armas ng Lady Bombers para masilo ang unang panalo ngayong conference.

Sisikapin naman ng San Beda College na bumawi mula sa kanilang pagkatisod sa huli nilang laro, makakatapat nila ang wala pang panalong College of Saint Benilde sa unang laro.

Plakda ang Lady Red Spikers sa NCAA reigning titlist Arellano sa tatlong sets.

Hindi maganda ang inilaro ni Francesca Racraquin matapos na nagkasya lang sa nine points nang malasap ng San Beda ang unang talo sa dalawang laro sa Group B.

Sa unang panalo ng Lady Red Spikers, kumana ng 19 markers si Racraquin.