PVL: Myla dodoble-kayod

Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
4:00 p.m. — Creamline vs. Pocari Sweat
6:30 p.m. — Air Force vs. Perlas

Puwersadong domoble-kayod si Pocari Sweat star hitter Myla Pablo dahil nakalaylay pa ang International Transfer Certificate (ITC) release ni American replacement import Krystal Rivers.

Ayon kay former NU standout Pablo handa na sila ni Michelle Strizak ng USA na harapin ang tropa ni volleyball superstar Alyssa Valdez na Creamline ngayong araw sa quarterfinals ng Premier Volleyball League sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Hindi sigurado kung makakalaro si Rivers kaya sina Pablo at Strizak ang babalikat para makuha ng defending champion Lady Warriors ang second win at lumapit sa best-of-three semifinals.

Handa na kami ni Michelle, (Strizak) na i-lead ang team isang hakbang na lang semis na kaya pa­tibayan na ng loob ito,” pahayag ni Pablo na kaba­balik lang sa laro matapos magpahinga dahil sa back injury.

Parehong may 1-0 records ang Cool Smashers at Pocari Sweat sa four-team, single round robin quarters.

Sasamahan ng top two sa quarters ang top seed BaliPure at No. 2 Power Smashers na nakaabang sa Final Four.

Sa huling laro ni Pablo, nagtala siya ng 28 points para itaguyod ang Lady Warriors kontra Air Force 21-25, 25-23, 19-25, 25-14, 15-10 sa quarterfinals opener.