Biglang sumaya ang Perlas team matapos amyendahan ng Premier Volleyball League ang patakaran sa permanent foreign residents.

Pumabor sa Lady Spikers ang magandang balitang natanggap dahil makakalaro na ulit sa kanila si Amy Ahomiro sa PVL Open Conference na pasisibatin sa Sabado sa FilOil Arena sa San Juan.

“Yes, Kiwi (Ahomiro) will play this conference,” saad ni Charo Soriano, isa sa Perlas managers at co-founder ng Beach Volleyball Republic.

Pinapayagan nang maglaro ang players na may Alien Certificate of Residence (ACR) pero dapat ay 10 taon na itong naninirahan sa Pilipinas, ayon kay Ricky Palou ng organizing Sports Vision.

Sa Brent School nag-high school si Ahomiro bago nagkolehiyo sa Ateneo at naging mi­yembro ng Lady Eagles na nagkampeon ng dalawang beses sa UAAP.

“Our next conference is an Open Conference, not All-Filipino,” hayag ni Palou, sinabing papayagan na ang mga residente ng Pilipinas na holders ng ACR na lumaro sa liga. “However, we have put restrictions and only foreign residents and ACR holders for 10 continuous years will be allowed to play in the Open Conference.”

Bukod kay Ahomiro, ang ibang miyembro ng Perlas ay sina Kat Bersola, Nicole Tiamzon, libero Gizelle Tan, Ella de Jesus, Jam Ferrer, Suzanne Roces, Mae Tajima at Ryssabel Devanadera.

Ang ibang teams na kalahok ay Hapee Toothpaste, Bali Pure, Power Smashers at defending champion Pocari Sweat.