Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
4:00 p.m. – Pocari Sweat vs. Air Force
6:30 p.m. – Creamline vs. Perlas

Masaklap ang talo ng defending champion Pocari Sweat at Perlas sa kanilang huling laro sa preliminary round ng 2017 Premier Volleyball League Reinforced Conference noong Huwebes.

May tsansa ang Lady Warriors at Spikers na masikwat ang second outright semifinals berth pero sinalto sila ng kanilang mga nakalaban.

Panigurado sana sa No. 2 ang Lady Warriors kung tinalo nila ang Air Force pero bigo sila sa limang sets.

Dahil sa talo ng Pocari Sweat, nagkaroon ng pagkakataon ang Perlas na makuha ang huling outright semis pero pinigil din sila ng Creamline kaya napasakamay ng Power Smashers ang slot na kanilang pinag-aagawan.

Pagkakataon ng Pocari Sweat at Perlas na makabawi agad dahil kaharap nila ang Lady Jet Spikers at Cool Smashers ayon sa pagkakasunod sa simula ng quarterfinals.

Unang sultada ang two-time champion Pocari Sweat at Air Force sa The Arena sa San Juan, pangalawang laro ang Perlas at Creamline.

Arangakada ang top two teams sa best-of-three semifinals pagkatapos ng single round robin quarters, tambay muna ang top seed BaliPure at No. 2 Power Smashers habang naghihintay ng makakatapat.