Mga laro ngayon:
(PhilSports Arena)
10 a.m. – Army vs Sta. Lucia (men’s – for third)
12 noon – Air Force vs Cignal (men’s – for title)
4 p.m. – Creamline vs Power Smashers (women’s – for third)
6:30 p.m. – BaliPure vs Pocari Sweat (women’s – for title)
Kailangan ng BaliPure na mag-umento ang kanilang opensa para mabasag ang mahigpit na depensa ng Pocari Sweat.
Sinabihan ni Water Defenders head coach Roger Gorayeb ang kanyang mga bataan na doblehin ang kayod kung gusto nilang masungkit ang titulo sa Premier Volleyball League Reinforced Conference.
May 15 blocks ang defending champion Lady Warriors kontra siyam ng BaliPure.
Bawal nang kumurap ang Water Defenders matapos yumuko sa Game 1 ng kanilang best-of-three Finals series.
Kumpiyansa si Gorayeb na makukuha nila ang panalo ngayong alas-6:30 ng gabi sa PhilSports Arena sa Pasig.
Huhugot ng puwersa ang Water Defenders kina Thai import Jeng Bualee, American Jennifer Keddy at locals Gretchel Soltones at Risa Sato.
Tumikada si three-time NCAA MVP Soltones ng 17 points habang 16 ang kinana ni Bualee sa four-set loss nila sa two-time champions Lady Warriors sa Game 1.
Para sa Pocari Sweat, ibabandera nila ang kanilang super import na si Krystal Rivers upang masilo ang pangatlong sunod na korona.