PVL POW: CREAMLINE KERING-KERI NI VALDEZ

ALYSSA VALDEZ

Solo sa tuktok ng Premier Volleyball League Open Conference standings ang Creamline.

Ito’y dahil sa malaking tulong ni three-time UAAP Most Valuable Player (MVP) Alyssa Valdez.

Kaya naman hinirang si Cool Smashers team captain Valdez na Philips Gold-PVL Press Corps Player of the Week (POW) para sa laro mula  July 8 hanggang 15.

Nag-umpisang humarurot si four-time PVL MVP nang talunin nila ang Hair Fairy-Air Force Lady Jet Spikers sa apat na sets at umiskor ng 23 points.

Lumiliyab ang opensa ni Valdez simula pa sa unang araw ng conference kung saan may 108 total points na ito matapos ang apat na laro kasama ang siyam na service aces.

Nagpapakitang gilas din ang Batangas-native sa depensa, pang sixth ito sa digging matapos ilis­ta ang 3.56 digs per set.

May 4-0 karta ang Creamline, nakakakuha ng tulong si valdez kina setter at former Ateneo teammate Jia Morado, veterans Rose Vargas, Pau Soriano, at Army standout Ging Balse.

Ayon kay Valdez, dahil sa tulong ng kanyang mga kasamahan ay nakakapag-focus ito sa invidual games nito.

“It’s been great having Jia back on my side. She’s always been a great setter and she really makes it easier for her spikers like me to score. Sobrang happy din ako to have Ate Rose and Ate Ging on the team kasi I’ve always looked up to them and they provide a lot on inspiration for the team to keep working harder especially in practice,” pahayag ni Valdez.

Pansamantalang iiwan muna ni Valdez ang kanyang team dahil tutungo ito sa Japan para sa Philippine Women’s Team training camp.

“Definitely it’s going to be hard for me to leave the team kasi nga very crucial ‘yung last games namin. But I’m confident in my teammates and my coaches that they will find a way.

I’m definitely looking forward to coming back and playing with my teammates again,” ani Valdez.